Unang Assignment na seryoso

Note: Ang aktwal na comments ng mga bossing ay hindi ganyan. Mas Pormal/may sense/mas maganda ang mga ito. Ang nakalagay diyan ay gawa lamang ng mapaglarong isip ng nagpapanggap na "artist".
Nitong nakaraan lamang, Ako'y nakasali sa Publications Office ng aming eskwelahan.
Syempre tuwang tuwa ako at sa wakas nakasali narin ako sa isang org na kilalang kilala sa aming eskwela.
Matapos ang ilang pagsubok at interview, ayun nga, natanggap ako.
Napakabait naman ng mga tao doon.
Hindi ko mamalayan ang oras tuwing andun ako.
Masaya ang community, nakakatuwa.
Ngunit, ayan na.
Unang trabaho!
Pero bago muna yon, pinagawa ako ng dalawang exercise na di naman kailangang pagpawisan at pumayat ako.
Iyon ay magdrowing ng 20 na bilog at isang cactus.
Natuwa naman ako sa pagdrowing ng 20 na bilog ngunit "reluctant" ako (naks english!) na ipasa ito dati, kasi parang nagmukhang gawa ng elementary na may halong highschool.
Sa cactus naman, dapat ok yung naisip ko na konsepto, kaso ayun, dahil sa kulang ko sa kaalaman sa pag-guhit ay di ko nagawa ng mabuti ang nasa isip ko. haaaay!
So in short, PHAIL yun.
Susunod naman, yung aktwal na proyekto para sa isang libro ng eskwela.
Lahat kami ay pina-illustrate ang isang poem.
Napaka-weirdo ng poem na ito, at sa loob ng isip ko, may malalim akong interpretasyon, ngunit di naman namin iinterpret eh. I-illustrate daw.
Unang ginawa ko. PHAIL.
Na-resize ko ito tapos na save ko, tapos nagbrownout. Magaling.
Kinailangan kong ulitin lahat lahat.
Ayun, pinasa ko na ang late kong trabaho na 70% finished.
ayun, pangit.
So inayus ko ng kaunti, tapos sinubmit ulit, kaninang tanghali lang.
Ayun, ewan ko.
Nang binasa ko comments, at may nagsabi rin sa akin, mukhang sailormoon daw.
D:
waaaah!
Di na nga ako gumamit ng reperens eh! TTwTT
bat ganunnnn!!
siguro napaka-konti pa ng nasa isipan ko.
kulang pa.
kelangan pa mag sanay!
dahil sa event na ito, marami akong na-realize.
Hindo pala ako ganun ka-open minded. ngayun nais ko itong baguhin. >:'3
ngayon, sisikapin ko pang magsipag upang gumaling!
Sa palagay ko ay tinulungan ako ng org na ito upang ma-realize ang aking kahinaan!
kaya ayun, pinapasalamatan ko sila.
Marami pang bagay sa mundo na matututunan!
"more room for improvement" ika nga nila!
kaya simula ngayon, magsisikap na ako! oh yeah!


0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home